Saturday, June 18, 2016

7 QUALITIES OF A GOOD FATHER

7 Qualities of a Good Father

1. He love

Good News Translation
Ephesians 5:28 Men ought to love their wives just as they 
love their own bodies. A man who loves his wife loves himself.

Ephesians 5:28 Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang 
asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal 
sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili.

- ang kalidad ng isang mabuting ama ay tunay na minamahal ang 
kanyang asawa at mga anak , hindi niya pinagmamalupitan ang 
kanyang mga anak at asawa.

- ang kanyang puso ay hindi bato, marumong siyang magpatawad, 
magbigay , magpakababa.

2. He provide

Good News Translation
Ephesians 4:28 If you used to rob, you must stop robbing and 
start working, in order to earn an honest living for yourself and 
to be able to help the poor.

Ephesians 4:28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; 
sa halip, magtrabaho siya at gamitin ang kanyang kamay sa 
anumang gawaing marangal upang may maitulong sa 
mga nangangailangan.

- ang kalidad ng isang mabuting ama ay nagsusumikap para sa 
kanyang pamilya.

- magtatrabaho siya ng marangal , may pagtitiyaga para lang 
huwag magutom at maghirap  ang kanyang pamilya

- mga ama huwag ninyong sayangin ang perang pinaghirapan 
nyo sa bisyo.

3. He dicipline

 Proverbs 23:13  Don't hesitate to discipline children. A good 
spanking won't kill them.
 Proverbs 23:14 As a matter of fact, it may save their lives.

Proverbs 23:13 Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo 
ay hindi niya ikamamatay,

- ang kalidad ng isang mabuting ama ay hindi kinukunsinti ang 
mga anak sa mga kalokohan nito

- bagkus ito ay kanyang pinagagalitan o pinapalo kung kinakailangan.

- ang sobrang pananakit sa mga anak ay hindi makakapag disiplina
 sa mga anak bagkus ito ay lalong magbubunga ng pagkamuhi at 
pagrerebelde ng ating mga anak

 4. He help

New Living Translation
Proverbs 19:15 Lazy people sleep soundly, but idleness leaves 
them hungry.

Proverbs 19:15 Ang taong tamad ay laging nakatihaya  Kaya't siya'y 
magugutom, walang panlagay sa sikmura.

- ang kalidad ng isang mabuting ama ay hindi feeling boss o 
senorito sa loob ng bahay

- dapat bilang ama, gumagawa ka rin ng gawaing bahay, 
huwag mong iasa lahat sa asawa mo.

- hindi naman kawalan ng pagkalalaki ang paglalaba, pagluluto, 
pagwawalis , pag-aalaga ng anak, pamamalantsa.

- tandaan mga lalaki, ang mga asawa ay hindi katulong.

5. He guard

New Living Translation
Ruth 2:22 “Good!” Naomi exclaimed. “Do as he said, my 
daughter. Stay with his young women right through the whole 
harvest. You might be harassed in other fields, but you’ll be safe with him.”

Ruth 2:22 "Sumagot si Noemi, 'Oo nga, anak. Baka mapariwara 
ka lamang kung sa ibang bukid ka pupunta. Mabuti ngang manatili 
kang kasama ng kanyang mga manggagawa.'"

- ang kalidad ng isang mabuting ama ay sinusubaybayan ang 
mga anak sa mga ginagawa nito,hindi Masyadong mahigpit pero hindi rin
Masyadong maluwag

- nagiging mapagmatyag lang siya baka ang mga anak niya ay 
gumagawa na ng hindi maganda.

- hindi mo panghihimasukan ang kanyang private life, pero 
dapat mo ring mabantayan kung sino sinong mga tao ang konektado 
sa kanya, baka mga bad influence sila.

- maraming mga parents magugulat na lang sila na ang anak 
nila ay involve sa droga, away, sa mga maling gawain kasi 
masyadong naging maluwag

- yung ibang mister masyadong maluwag kay misis, kaya 
tinangay tuloy ng iba.

6. He bond

New Living Translation
Ephesians 5:31 As the Scriptures say, “A man leaves his father 
and mother and is joined to his wife, and the two are united into one.”

Ephesians 5:31 '"Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at 
magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.'"

- ang kalidad ng isang mabuting ama may ibinibigay na oras sa 
kanyang asawa at mga anak

- hindi dahil maraming trabaho, maraming appointment, maraming 
office work ,nakakalimutan na niya ang pamilya

- may mga ama malaki ang nauubos na oras sa mga sosyalan, party , 
barkada, samantalang ang kanyang asawa at mga anak hindi man lang 
maanyayahan sa labas para mamasyal, kumain sa mcdo, jolibee, inasal, 
chowking,ect

- family bonding importante yan, at ang tatay ang dapat mag 
implement nyan.

7. He share

A. He share the bible

New Living Translation Ephesians 6:4 Fathers, do not provoke 
your children to anger by the way you treat them. Rather, bring them 
up with the discipline and instruction that comes from the Lord.

Ephesians 6:4 Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik 
laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; 
sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon.

B. He share good advice

Good News Translation
Proverbs 10:8 Sensible people accept good advice. People who 
talk foolishly will come to ruin.

Proverbs 10:8 Magandang payo'y tinatanggap ng pusong may unawa,  
Ngunit kapahamakan ang s'yang wakas ng mangmang na masalita.

Proverbs 25:12 Ang magandang payo sa marunong makinig ay higit 
na di hamak sa ginto o mamahaling alahas.

- ang kalidad ng isang mabuting ama ay dapat siya ay maka Diyos, 
naniniwala kay Jesus , naniniwala sa bible, at siya mismo ang 
humihimok sa kanyang sambahayan para magsimba at sumunod sa Diyos

- may mga ama ngayon, ang tingin na ng asawa niya sa kanya ay 
demonyo, kaya tinatawag na siyang   " satanas ka ", kasi ba naman 
puro kademonyohan ang pinaggagawa


- si inday inaasuwang , anak minomolestiya , asawa binubugbog, 
puro kahihiyan ang dinadala sa pamilya.

Pangwakas :

Bilang ama hindi pa naman huli para punuan ang ating mga
pagkukulang sa ating sambahayan..

God bless..


No comments:

Post a Comment